Uppskattad leveranstid 7-12 arbetsdagar
Fri frakt för medlemmar vid köp för minst 249:-
Hinahangad kong kayong lahat sana’y magkamit ng buong sukat ng espiritu at tamasahin ninyo ang panlangit at walang-hanggang kaluwalhatian sa Bagong Jerusalem kung saan naroroon ang trono ng Diyos!
Kasama ang Ang Mensahe ng Krus, ang Ang Sukat ng Pananampalataya ang pinakapundamental at pinakamahalagang gabay na aklat sa epektibong pamumuhay bilang isang Cristiano. Ibinibigay ko ang lahat ng pasasalamat at papuri sa Diyos Ama na nagkaloob ng biyayang mailathala ang mahalagang aklat na ito at maipahayag ang tungkol sa espiritwal na rehiyon sa di-mabilang na mga tao.
Sa panahong ito, napakaraming tao ang nagsasabing sila ay naniniwala, ngunit wala silang katiyakan tungkol sa kanilang kaligtasan. Wala silang alam tungkol sa pagsukat ng pananampalataya at kung gaano kalaking pananampalataya ang kailangan nila para maligtas. Sinasabi nila sa isa’t isa, “Malaki ang pananampalataya ng taong ito” o “Ang taong iyon ay maliit ang pananampalataya.” Ngunit hindi madaling malaman kung gaanong kalaking pananampalataya mo ang tinatanggap ng Diyos. Hindi rin madaling sukatin kung gaano kalaki ang pananampalataya mo o kung gaano na ang inilaki nito. Nais ng Diyos na magkaroon tayo hindi ng pananampalatayang makalaman, kundi pananampalatayang espiritwal na may mga kasamang gawa. Masasabi na ang pananampalataya ng isang tao ay makalaman kung nakikinig lamang sila at nag-aaral ng Salita ng Diyos, at ikinakabisa at iniipon ito bilang kaalaman lamang. Hindi tayo magkakaroon ng pananampalatayang espiritwal sa sarili nating pagsisikap. Ito ay ipinagkakaloob lamang sa atin ng Diyos.
Kaya naman, sinasabihan tayo sa Roma 12:3, “Dahil sa biyayang tinanggap ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob sa inyo ng Diyos” (Ang Salita ng Diyos para sa Pilipino). Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang bawat isa ay may sariling pananampalatayang espiritwal na ipinagkaloob ng Diyos, at ang mga sagot at pagpapala Niya sa mga tao ay iba-iba ayon sa sukat ng pananampalataya nila.
Inilalarawan sa 1 Juan 2:12 at sa kasunod na mga talata na ang paglago ng pananampalataya ng bawat tao ay nag-uumpisa bilang pananampalataya ng mga sanggol o ng mga batang pahakbang-hakbang pa lamang lumakad, hanggang umunlad sa pananampalataya ng mga maliliit na bata, hanggang lumago sa pananampalataya ng mga kabataan tungo sa pananampalataya ng mga ama. Mababasa sa 1 Corinto 15:41, “Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may iba’t ibang ningning” (Ang Salita ng Dios). Pinaaalalahan tayo ng talatang ito na iba-iba ang magiging tahanan ng mga tao sa Langit at ang kanilang kaningningan doon ayon sa sukat ng kanilang pananampalataya. Mahalaga siyempreng magtamo...
- Format: Pocket/Paperback
- ISBN: 9791126300884
- Språk: Tagalog
- Antal sidor: 330
- Utgivningsdatum: 2018-05-01
- Förlag: Urim Books USA